mother-lily-at-dondon-lang_pls-crop-out-john-lloyd-copy

MULING napatunayan ang kasabihan na hindi kayang tiisin ng ina ang anak.

Bagamat magkalaban sa 2016 Metro Manila Film Festival, Die Beautiful ang entry ni Mother Lily Monteverde at Seklusyon naman kay Dondon Monteverde, humingi pa rin ang lady producer ng suporta at nakiusap na panoorin ang pelikulang prinodyus ng anak.

Sa cast party ng Mano Po 7: Chinoy, naglambing si Mother Lily sa entertainment press na tulungang i-promote ang Seklusyon ng Reality Entertainment.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Matatandaang nakapagsalita si Mother Lily na ang MMFF ay para sa mga bata at ang indie films ay may sariling festival nang hindi mapasali ang Mano Po 7 sa Metro Manila filmfest.

Nagustuhan nina Dondon at Direk Erik Matti ang malaking pagbabago ng 2016 Metro Manila Film Festival at kasama sila sa mga nakipaglaban dito.

Matatandaan na nagkaroon ng kontrobersiya sa MMFF last year nang iitsa-puwera sa major wards ang Honor Thy Father at kumilos ang kampo ng Reality Entertainment para maimbestigahan iyon na humantong sa pandinig sa Congress at sa pagpapalit ng executive committee na ilang taon nang namamahala sa festival.

Pero sadyang hindi kayang tiisin ng ina ang anak, kaya ngayong araw ay ipapa-presscon ni Mother Lily ang Seklusyon bilang tulong niya kina Dondon at Direk Erik. Ito naman siyempre ang tunay na diwa ng Pasko. Pagmamahal at pagkakaisa.

Pero bago ang MMFF, panoorin muna ang Mano Po 7: Chinoy na nagbukas kahapon sa mga sinehan mula sa direksyon ni Ian Lorenos under Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)