Disyembre 15, 2001 nang muling buksan sa publiko ang Leaning Tower of Pisa sa Italy matapos maglaan ng 11 taon at $27 million ang isang grupo ng mga eksperto upang mas patibayin ang tore.
Ang tourist attraction sa Pisa, isang mataong trade center sa Arno River sa Italy, ay isinara sa publiko noong 1990 isang taon matapos bisitahin ng isang milyong katao ang dating tore. Matapos noon, ang 190-foot-high white marble tower ay tumabingi ng 15 talampakan. At sa takot na ito’y tutumba, nagtalaga ang mga opisyal ng 14 na archeologist, architect at soil expert upang ito’y patibayin.