Pahimas-himas na lang ngayon ng rehas ang isang barangay kagawad makaraang magbenta ng walang lisensiyang baril sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang suspek na si Dennis An, 47, kagawad sa Barangay Central, Diliman, Quezon City at nakatira sa No. 11 BFD Compound East Avenue ng nasabing lungsod.

Sa report ni Police Supt. Rogarth Campo, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), dakong 8:40 ng umaga nang isagawa ang entrapment operation laban sa opisyal ng barangay.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang DSOU hinggil sa pagbebenta ni An ng mga hindi lisensiyadong baril dahilan upang ikasa ang operasyon laban sa kanya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang magbabayaran na ay agad pinosasan si An ng mga tauhan ng DSOU.

Nasamsam mula kay An ang isang .45 kalibre na baril na may siyam na bala at marked money na ginamit sa entrapment operation. (Jun Fabon)