jm-copy

CURIOUS kami kung bakit naluha si JM de Guzman pagkatapos niyang kantahin ang Not While I’m Around mula sa Broadway musical na Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street (1979) na kinanta at ini-record nina Ken Jennings at Angela Lansbury.

Ito ang ipinost ni JM sa kanyang Instagram account nitong Martes with matching costume pa kaya napaisip kami kung saan ito kinunan, sa kuwarto niya o sa isang recording studio.

Ang lyrics ng kanta ay tungkol sa taong mahal na mahal ng umaawit na walang sinumang puwedeng makapanakit habang nasa tabi niya at anumang oras na kailanganin ay darating siya, anuman ang mangyari.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Obviously, patungkol ito sa taong mahal ni JM at alam naman siguro ng lahat kung sino ito. Marahil ay hindi pa rin maka-get over ang binata kahit ngayong may nagmamahal at minamahal nang iba at hindi na siya nahintay pa.

Maraming supporters at tagahanga si JM na nagdarasal na muli siyang mapanood na gumaganap dahil napakahusay niyang artista bukod pa sa napakabait.

Umaasa rin ang malalapit na kaibigan ni JM na muli siyang makababalik sa showbiz na pansamantala niyang iniwan. At sana sa pagbalik niya ay for good na at mag-concentrate na siya sa career. (REGGEE BONOAN)