CABANATUAN CITY - Kalaboso ang isang dating barangay chairman sa lungsod na ito at anak niyang binata makaraang maaresto sa drug operation ng pulisya, nitong Martes ng umaga.

Sa pangunang ulat ni Supt. Ponciano Zafra, kinilala ang naarestong mag-ama na sina Leonilo Diaz Sacdal, 54, 15 taong nagsilbi bilang chairman ng Barangay Pula; at Emmerson Sacdal, 32, isang drug surrenderer.

Nabatid ng Balita na dakong 5:30 ng umaga nang isinilbi ang dalawang search warrant sa mag-ama para sa paghahalughog ng baril at shabu.

Nakasamsam ang pulisya ng siyam na transparent plastic sachet na may 176 na gramo ng hinihinalang shabu at isang .9mm pistol sa bahay ng mag-ama. (Light A. Nolasco)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!