Anim na buwan pa lamang sa puwesto, pakiramdan ng Pangulo ay matanda na siya at hindi masaya sa kanyang trabaho.

Sa pakikipagpulong sa Filipino community sa Cambodia noong Martes ng gabi, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring hindi na niya matapos ang kanyang anim na taong termino matapos mapagtantong matanda na siya para maging pangulo.

“Matanda na ako…This is my last hurrah. After this 77, hindi ko nga malaman kung I would still be around ‘till the end of my term,” ani Duterte sa mahigit 1,000 Pilipinong manggagawa na nagtipon sa Sofitel hotel sa Phnom Penh.

Sinabi ni Duterte, 71, na hindi siya nagsisisi na siya ay nanalo sa halalan ngunit inamin niya na hindi na siya masaya sa kanyang trabaho. Ang tanging pampalubag-loob niya ay ang makagawa ng tama para sa mamamayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I found out very late that I do not really need it in my, during my—Hindi ko na kailangan ‘yan sa edad ko nito.

Dapat ako pa-ano-ano na lang,” aniya.

“I realize now that I do not need it this time of my life. But sinabi ko, I take pleasure in, after the end of the day. ‘Yun lang ang consuelo ko, na may trabaho ako ginawa, tama,” aniya.

Noong Lunes, inamin ng Pangulo sa isang business forum sa Malacañang na araw-araw siyang sinusumpong ng migraine at maraming nararamdaman sa katawan.

Itinanggi niya ang mga ulat na siya ay may cancer. Ang totoo aniya, siya ay may Buerger’s disease, isang sakit na nakukuha sa paninigarilyo at nakaaapekto sa blood vessels.

Kasunod ng mga reklamo ni Duterte sa kanyang kalusugan, nanindigan ang ilang opisyal ng gobyerno na hindi kailangang maglabas ng anumang medical bulletin ang Pangulo.

“Based on results, he’s doing very well. Whatever pain he’s experiencing is basically as the doctors would say basically wear and tear. That’s part of the territory,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media interview sa Sofitel Hotel sa Phnom Penh.

“So (there’s) nothing to be afraid, nothing to be concerned about. He’s doing fine,” paniniyak ni Abella.

Sinegundahan naman ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabing hindi magagawa ng isang taong may iniindang sakit ang mga nagagawa ng Pangulo.

“I don’t think it’s that necessary. What you see is what you get,” sabi ni Bello. “Super healthy siya. Hindi ko maintindihan kung saan [niya] nakukuha ‘yung energy niya.” (GENALYN KABILING)