Pinaulanan ng bala ng dalawang lalaki ang katawan ng isang binata na kapareho ng alyas ng komedyanteng si Dagul sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital si Dian Kelvel Marcelo, 25, ng No. 1761 Thomas Claudio Street, Baclaran ng nasabing lungsod.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng dalawang armado na sakay sa isang motorsiklong walang plaka.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 10:30 ng gabi nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Thomas Claudio at J. Gabriel Extension Baclaran.

National

'Mayor Magalong, nagsabi mismong may mali sa pagpapatupad ng EJK!'—Palasyo

Nakatayo umano ang biktima sa nasabing lugar nang dumating ang mga suspek at makailang beses pinaputukan si Marcelo.

Kilala umano si Marcelo sa pagtutulak ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)