coco-at-onyok-copy

HINDI binigo ni Coco Martin ang ating mga kababayan sa Dubai, United Arab Emirates. Nitong nakaraang linggo, pinagbigyan niya ang kahilingan ng ating OFWs roon na makita siya nang personal.

Libu-libong mga kababayan natin ang nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Dubai at sa lahat ng bansang may TFC at na-inspire si Coco na suklian ang pagmamahal na ibinibigay ng mga tao sa kanya.

Dubbed as “Isang Pamilya Tayo,” nagsilbi itong kick-off ng two-city tour sa Middle East (ME). Nagsilbi ring first leg ng world tour ang ME live shows at hudyat din ng pagdiriwang ng 20th anniversary celebrations ng TFC Middle East.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Bilang pasasalamat sa supporters ng Ang Probinsyano, inumpisahan ng serye ang paglilibot na nagsimula sa Pilipinas na binabalak ding dalhin sa iba’t ibang bansa. Inumpisahan sa Manila ang FPJ’s Ang Probinsyano concert nitong Oktubre at isinunod ang first leg ng world tour sa Middle East ngayong Disyembre.

Kuwento ni Coco, hiniling niya sa Kapamilya management na dalhin siya sa Middle East para personal na mapasalamatan ang ating mga kababayan doon.

Ang kanyang mensahe sa mga Pinoy na naglalaan ng oras para panoorin siya, “I have so many blessings and I wanted to give it all back to you. I really wanted to come here and thank you personally.”

Dahil sa kanyang dating na mala-FPJ, humble at mapagmahal sa masa, naging bukambibig si Coco sa TFC worlwide.

Marami sa ating mga kababayan ang nakaka-relate sa kanyang role bilang si Cardo na nagpapakita ng isang simpleng Pinoy na may mga simpleng pangarap, na kayang ibigay sa pamilya ang pamumuhay ng disente kahit pa naglipana ang masasamang elemento sa ating lipunan.

“Before I became a celebrity, I was an overseas Filipino worker like you,” sabi pa ni Coco. “I left the homeland believing that I could give my family a better life. I know that this is also what you aim for and that is why you are here. I understand this because I’ve been there. I love you all.”

Lalo pang hinangaan si Coco sa Dubai nang malaman nilang may karamdaman pala ang aktor during the show pero itinuloy pa rin niya ang thanksgiving event.

“Despite our hectic schedule and physical fatigue, we do not feel as tired because we know that we make you happy and we inspire you Filipinos,” nakangiting sabi niya sa lahat ng mga nanood na ang karamihan ay dumayo pa sa Dubai galing Jeddah at Riyadh, kaya alas sais pa lamang ng umaga ay matiyaga nang pumila para makaupo sa harapan.

Aliw na aliw ang audience nang kantahin ni Coco ang Ako Si Superman na anila’y nagpapahayag ng katatagan at pagiging madiskarte ng mga Pilipino. (ADOR SALUTA)