Inilarga ng National Food Authority (NFA) ang permit ng local rice traders na mag-angkat ng 641,080 toneladang bigas sa Thailand, Vietnam, Pakistan at India, ayon sa notice na ipinaskil sa website nito kahapon.
Ang inaprubahang aangkatin, kailangang maipasok sa bansa bago ang Pebrero 28, 2017, ay katumbas ng 80 porsiyento ng maximum volume ng 805,200T pinahihintulutang angkatin ng private traders sa ilalim ng annual country-specific quota scheme.
Mag-aangkat ang pribadong sektor ng 284,780T bigas mula Thailand; 294,020T mula Vietnam; 56,140T mula Pakistan; at 6,140T mula India, sinabi ng NFA matapos pag-aralan ang lahat ng aplikasyon.
Ang mga shipment ay magpaparami sa supply na bigas ng bansa, na nananatiling sapat ngayong taon dahil sa mga inangkat na bigas ng ahensiya noong 2015 at nitong mga nakalipas na buwan.
Mayroong stand-by authority ang NFA na mag-angkat ng karagdagang 250,000T bigas dagdag sa 250,000T na pumasok nitong Agosto mula sa Vietnam at Thailand. (Reuters)