Pinasaya ng Pasay Social Welfare Department (PSWD) ang 3,000 batang lansangan at kanilang mga magulang sa District 1 at 2 sa gift-giving program ng ahensiya sa Cuneta Astrodome.
Pinangunahan ni PSWD chief Rosalinda Orobia ang pamamahagi ng maagang aginaldo sa libu-libong residente sa lungsod matapos maglaan ang pamahalaang lokal ng Pasay City ng P6 milyon para sa nasabing programa.
Labis ang tuwa ng mga batang tumanggap ng mga pagkain at laruan habang ang kanilang mga magulang ay binigyan ng ham, groceries at bagong tuwalya.
Nagbigay ng pondo sa taunang gift-giving si Pasay City Mayor Antonino Calixto, Congresswoman Emy Calixto-Rubiano, Vice Mayor Boyet Del Rosario at ang buong konseho na lungsod. (Bella Gamotea)