SAN FRANCISCO (AP) — Nadiskubre ng Yahoo na tatlong taon nang napapasok ng mga hacker ang mahigit isang 1 bilyong user account, ang pinakamalaking security breach sa kasaysayan ng kumpanya.
Ang digital heist na ibinunyag noong Miyerkules ay nangyari noong Agosto 2013, mahigit isang taon bago ang hiwalay na hacking na inanunsyo ng Yahoo halos tatlong buwan na ang nakalipas. Apektado nito ang may 500 milyong user, ang pinakamalaki hanggang sa madiskubre itong huli.
“It’s shocking,” sabi ng security expert na si Avivah Litan ng Gartner Inc.
Kabilang sa mga nanakaw na impormasyon ang mga password, pangalan, email address, phone number, birthdate at security question at security answer.
Samantala, hindi apektado ang bank-account information at payment-card data. Kaugnay nito, inoobliga ng Yahoo ang users na magpalit ng password at security questions.