Patuloy sa pagkilos ang Bureau of Customs (BoC) sa pag-abot sa target nitong P400 bilyon na revenue collection bago matapos ang 2016.

Ito, ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, ay kinakailangan lamang ng kaunti pang pagsisikap sa iniwang trabaho ng kanyang pinalitan na si Customs Commissioner Alberto Lina sa pagkolekta ng P9 bilyon upang maabot ang target na P409 bilyon para sa kasalukuyang taon. “We are looking at not less than nine percent revenue collection increase compared to last year. That would be around 398 billion,” pahayag niya nang maisalang sa round table discussion sa mga editor ng Manila Bulletin kahapon.

Nitong nakaraang buwan, sumobra ng 12 porsiyento ang collection target ng BoC matapos nitong umabot sa P40.239 bilyon gayong ang target lamang ay P36.450 bilyon.

Ito ay mas mataas ng 27% kaysa P29.061 bilyon na nakolekta noong 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para sa kasalukuyang buwan, sinabi niya na, “We are still registering positive collection as of today. We are looking at two months of positive.” (Raymund F. Antonio)