RIO DE JANEIRO (AP) — Baon sa utang ang organizer ng Rio Olympics.

May kabuuang US$3.7 milyon ang hindi pa nababayaran ng organizers sa International Paralympic Committee.

Ipinahayag ni IPC spokesman Craig Spence sa The Associated Press nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na ang utang ay bayarin para sa ‘travel grant’ na bahagi nang napagkasunduan sa kontrata ng host at Paralympics.

"Never have we faced an issue like this with an organizing committee being so late paying travel grants," pahayag ni Spence sa AP.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang naturang utang ay ilan lamang sa sinisingil sa Rio Games organizer na bigo pa ring bayaran ang suweldo nang mga empleyado at supplier.

Ayon kay Spence ang hindi pagbabayad sa travel expenses ay dagok sa National Paralympic committees, higit yaong may maliliit lamang na budget.

"Some of our smaller national Paralympic committees, who took out loans to pay for their travel for the Games, are now in serious danger of defaulting on their repayments," aniya.

Sa kabila ng naturang isyu, sinabi ng International Olympic Committee na ang Rio Games ay "the most perfect, imperfect games," bilang pagsasantabi sa kabiguan na makapagbenta nang tiket sa ibang sports tulad ng diving at swimming.

"We told everybody before the Paralympics that we were short for the Paralympic Games because of lack of sponsorship and ticket sales," pahayag ni Rio spokesman Mario Andrada.