Muling nagbabala si Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa publiko laban sa mga mapanlinlang na indibiduwal na ginagamit ang kanyang pangalan para manghingi ng pera.

Ito ay matapos tumawag sa kanya ang isang Michael Mendoza, na nagsabing nai-deposito na nito ang P200,000 sa account na ibinigay ng isang tumatawag na nagpakilalang si Bello.

“This is to notify the public that there is no request from me or from the Department asking for any help. If you will encounter any request for solicitations using my name in any social media accounts, please disregard it. It’s a scam,” paglilinaw ng kalihim.

Hinimok niya ang publiko na isumbong sa hotline 1349 ng DoLE ang anumang impormasyon ukol dito. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji