Inaprubahan ng bicameral conference panels ng Senate at House of Representatives kahapon ang tinawag nilang ‘’socially-inclusive’’ P3.35 trillion national government budget para sa 2017.

Nilagdaan nina Sen. Loren Legarda, chairwoman ng Senate Finance Committee, at Davao Rep. Karlo Nograles, chairman ng Lower House Appropriations Committee, ang bicameral conference committee report kahapon ng tanghali matapos ang ilang araw na bangayan at pagbibigayan ng mga senador at congressman sa kanilang magkakaibang bersyon ng budget.

“It is something we are proud of.. it has free irrigation for farmers, free health care, free education…parang socialist,’’ paglalarawan ni Legarda sa 2017 budget nang kapanayamin ng Senate reporters, habang naghihintay ang bawat miyembro ng bicameral conference committees na lumagda sa committee report.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Itinanggi ni Nograles na P8 bilyon dito ay ‘’pork barrel’’ para sa legislative districts ng mga mambabatas sa southern Mindanao.

Ayon sa kanya, tiniyak ng Lower House na ‘’pork barrel’’ free ang budget ‘’because pork is post-enactment and there is no post enactment here.’’

Matapos pagtibayin ng dalawang kapulungan, ipadadala ang panukalang 2017 General Appropriations Act (GAA) kay Pangulong Duterte para sa approval o veto nito. (MARIO B. CASAYURAN at LEONEL ABASOLA)