Inumpisahan na ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Miyerkules ang dry run sa implementasyon ng “Nose In, Nose Out” policy sa mga provincial bus terminal sa EDSA.

Sa naturang polisiya, huhulihin at iisyuhan ng traffic ticket violation ang mga sasakyang nakahambalang sa mga entrance ng mga terminal bus sa EDSA.

Dahil dry-run pa lang, nilinaw ng MMDA na ang mga mahuhuli ngayong araw ay pagsasabihan muna at hindi muna titiketan, pero bukas, Disyembre 15, ay mag-iisyu na ng ticket ang I-ACT at MMDA.

Sinabi ni MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos na bukod sa mga provincial bus, saklaw din ng polisiya ang lahat ng sasakyan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Batay sa MMDA Resolution, ipinagbabawal din ang mga provincial bus sa EDSA-Timog Avenue, Quezon City hanggang sa EDSA-P. Tuazon Boulevard, Quezon City southbound mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga.

Samantala, dahil sa inaasahang exodus ng mga magpa-Pasko sa probinsiya, sususpendihin ng MMDA ang number coding scheme sa mga provincial bus sa Disyembre 22, dakong 1:00 ng hapon, gayundin sa Disyembre 23, 29 at Enero 2, 2017.

(Bella Gamotea)