mark-herras-copy-copy

BIRTHDAY ngayon ni Mark Herras at 30 years old na siya. 

First time niyang magbi-birthday at magpa-Pasko na ulilang lubos na siya. Boy lang ang kasa-kasama niya sa bahay, tinatawagan at dinadalaw na lamang daw siya ngayon ng iba niyang relatives. Pero biniro namin siya nang makausap namin sa set ng Sa Piling ni Nanay na hindi naman siya mukhang nalulungkot dahil kitang nadagdagan pa nga ang timbang niya, halatang masaya siya.

“Opo, nag-gain nga ako ng weight,” natatawang sagot ni Mark. “Kung dati ang weight ko, 145 lbs, ngayon 171 lbs na ako. Pero gusto ko na rin dahil nagkalaman ako, masaya po ako talaga ngayon.”

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Hindi ikinaila ni Mark na ang girlfriend niyang si Winwyn Marquez ang nagpapasaya sa kanya, ang itinuturing niyang pamilya ngayon.

“Ang laki po ng suporta niya sa akin, sa pagkawala ng pamilya ko, sinamahan niya ako every single day, naturuan niya ako ng mga bagay na ginagawa ko ngayon, na ini-enjoy kong gawin. Tulad po ng pagbabayad ng mga bills. Dati kasi, spoiled ako sa tito ko, siya lahat ang gumagawa noon, wala akong iniintindi. Ngayon, alam ko na kung saan ako pupunta na mabilis akong makapagbabayad ng bills, may malapit sa amin na bayad center at dinadala ko lang sa kanila, sila na ang bahala, sasabihin na lang nila kung kailangan ko nang maglagay ulit ng pera. Masarap din pala na ako na ang may hawak ng pera ko ngayon.”

Kahapon, umalis si Mark kasama si Wyn papuntang Boracay. Nagpaalam daw siya sa production at pinayagan naman siyang magbakasyon ng five days. 

So, kailan na ang kasal nila ni Wyn?

“Siguro po mga two years pa dahil marami pa rin kaming gustong gawin. Nag-aaral siya ngayon sa Southville sa Parañaque, gusto pa niyang sumali ulit sa Binibining Pilipinas at may business kaming magkasosyo na pinamamahalaan niya. Then may nakita na rin kaming place ni Rainier Castillo na puwede naming pagpatayuan ng gym. Handa-handa muna for the future.”

Thankful si Mark na tuluy-tuloy pa rin ang taping nila ng Sa Piling ni Nanay, na pitong buwan nang umeere. Ang karakter lang niya ang nakakaalam kung sino talaga ang nanay ng pamangkin niyang si Katherine (Jillian Ward). Marami pa raw ang mangyayari na dapat abangan sa istorya. Sa direksyon ni Gil Tejada, napapanood sila araw-araw pagkatapos ng Hahamakin Ang Lahat. (NORA CALDERON)