Binaril at pinatay ng ‘di pa nakikilalang suspek ang isang 44-anyos na lalaki sa loob mismo ng kanyang bahay sa Pasay City, iniulat kahapon. Ang bala na naging sanhi ng kanyang pagkamatay ay tumagos sa kanyang katawan at tumama sa kanyang limang taong gulang na anak na namatay din.

Kinilala ng Pasay City Police ang biktima na si Domingo Manosca at kanyang anak na si Francis, kapwa nakatira sa No. 2976 Mahogany Street, Pasay.

Dakong 4:45 ng umaga nitong Linggo, himbing na himbing sina Domingo at Francisco sa loob ng kanilang bahay nang katukin sila ng suspek.

Bumangon si Domingo at dito na sumilip sa bintana ang armado at isinuksok ang baril at saka nagpaputok.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Tinamaan si Domingo sa dibdib at agad namatay. Tumagos ang bala sa katawan ni Domingo at tumama sa ulo ni Francisco na sa mga oras na iyon ay nakatayo sa likuran ng kanyang ama.

Agad namang tumakas ang suspek sa pinangyarihan.

Ayon kay SPO1 Dennis Desalisa, imbestigador, suspek sa droga si Domingo at sumuko sa Oplan Tokhang noong nakaraang buwan. (MARTIN A. SADONGDONG)