KINILIG ang fans nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa parang pagliligawan ng dalawa sa Family Feud nang mag-guest sina Jessy, Enchong Dee at Richard Yap para mag-promote ng Regal Films movie na Mano Po 7: Chinoy.
Sumingit si Luis ng tanong kay Jessy na, “Mahal mo ba ako?” Nagulat si Jessy, natawa, at hindi alam kung sasagutin ang tanong. Kalaunan, sumagot ito ng “Oo” na ikinakilig ni Luis.
Ang cute ng expression ni Luis na kilig na kilig at binigyan pa ng good luck kiss si Jessy.
Matatandaang present din si Luis sa premiere night ng Mano Po 7 bilang suporta sa girlfriend. Napansin nga ng press people na hindi umeksena si Luis, hindi tumabi kay Jessy sa upuan, at sa tabi ni Reggee Bonoan umupo.
Anyway, ngayong Miyerkules na ang playdate ng Mano Po 7. Siguradong proud si Luis kay Jessy na kahit maikli lang ang labas ay malakas ang impact ng role at karakter ng aktres. (Nitz Miralles)