louis-copy

SA kabila ng kanyang pagdadalamhati, ibinigay ni Louis Tomlinson ang kanyang buong galing at puso sa pagtatanghal sa The X Factor ng UK noong Sabado ng gabi.

Tatlong araw pagkaraang pumanaw ang kanyang ina na si Johannnah Deakin sa edad na 43 sa sakit na leukemia, umakyat ng entablado ang One Director star na nakatakdang magtanghal ng Just Hold On, ang kanyang unang solo single na nagtatampok kay Steve Aoki.

Ayon sa pahayag na ibinigay sa ET mula sa pamilya ni Tomlinson noong nakaraang linggo, ang kanyang pagtatanghal ay tribute para sa kanyang ina, na hiniling sa kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang career. At ito nga mismo ang eksaktong ginawa ng 24-anyos na mang-aawit.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nakasuot ng makulay na graphic T-shirt, skinny jeans, at puting sneakers, pinigilan ni Tomlinson na maging emosyonal sa pagbirit niya ng kanta.

“What do you do when a chapter ends? Do you close the book and never read it again?” ani Tomlinson sa kanyang awitin. “Where do you go when your story’s done? You can be who you were or who you’ll become. If it all goes wrong, darling just hold on.”

“Oh until it’s all been said, it’s not over until your dying breath,” pagpapatuloy niya. “So what do you want them to say when you’re gone? That you gave up or that you kept going on?”

Pagkatapos kumanta, hinalikan ni Tomlinson ang kanyang mga daliri at tumuro sa langit, at tumango, para sa kanyang minamahal na ina.

“This moment broke my heart,” saad ng isang tagahanga niya sa Twitter. “You’re amazing @Louis_Tomlinson.”

“That was harder than I ever imagined,” tweet ni Tomlinson. “I want to thank everyone around me and all of the amazing fans out there that made that so special! Feeling so much love around me and my family. Mum would have been so f**king proud ( sorry for swearing mum ) love you!”

“Also @steveaoki, you have been such a rock and inspiration throughout this,” dagdag niya. “Pure talent and a real gent!”

Nakiramay din ang mga Directioner sa buong panig ng mundo na nakatutok sa The X Factor at nagbahagi ng kanilang mga tweet tulad ng, “We’re all so proud of your bravery and courage on stage tonight,” “I’m honored to be your fan,” at “I’m crying. Your strength is so admirable, Louis. You’ve made us all extremely proud. Sending you and your family all the love.”

Pagkatapos ng kanyang pagtatanghal, nagbahagi rin ang judge na si Simon Cowell ng sweet message.

“You know what. I have to say something to you,” paliwanag ni Cowell kay Tomlinson habang pinipigilang maluha sa palabas. “I’ve known you now for six years. What you’ve just done -- and the bravery -- I respect you as an artist, I respect you as a person, and your mum was so proud of you, Louis, and she was so looking forward to tonight. She’s watching down on you now, and you’ve done her proud.” (Yahoo Celebrity)