Head coach ng National University si Jamike Jarin?

Ito ang katanungan sa usap-usapan sa basketball community kasunod ng ginawang pagbibitiw ni Jarin sa kanyang puwesto sa San Beda College gayong matagumpay ang kampanya ng Red Lions sa katatapos na NCAA Season 92 men’s basketball tournament.

Pormal na nagbitiw si Jarin, napabalita na isa sa mga pinagpipilian ni NU athletics director Chito Loyzaga, kahapon na nagdulot nang haka-haka na gagamitin niya ang talento sa NU sa UAAP sa susunod na season.

“Parang gusto ni coach (Jarin) na makaharap si coach Ayo (Aldin) sa UAAP,” pahayag ng isang player na tumangging pabangit ang pangalan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Ayo, gumabay sa Letran Knights sa kampeonato may dalawang taon na ang nakalilipas, ang isa sa pinaguusapang collegiate coach sa kasalukuyan matapos maihatid ang La Salle Green Archers sa kampeonato sa katatapos ng UAAP men’s basketball.

Ang hindi magandang trato kay Jarin ng ilang mga alumni ng San Beda ang sinasabing isa rin sa mga dahilan kaya ito umalis ng San Beda, ayon sa source.

Gayunman, walang anumang pahayag na ginawa si Jarin hinggil sa kanyang pinakahuling hakbang dahil hindi pa siya maaaring magsalita tungkol dito sa kasalukuyan.

“Di pa puwede e,” tanging sagot ni Jarin sa pamamagitan ng text message.

Bunga nito, umugong na rin ang usap-usapan sa pagbabalik ni Boyet Fernandez bilang coach ng Red Lions.

Si Fernandez ang awtor sa huling dalawang titulo ng San Beda, bago siya pinalitan ni Jarin ng kunin siyang head coach ng NLEX sa PBA