Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay, kabilang ang isang field commander, sa pakikipagbakbakan sa militar sa Barangay Butilin, sa Datu Sabido, Maguindanao, iniulat kahapon.
Ayon kay Col. Felicisimo Budingan, First Mechanized Brigade commander, napatay ang opisyal ng grupo na si Esmael Tamarin, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong tauhan nito na nasawi rin.
Sinabi ni Budiongan na nakasagupa ng mga sundalo ang grupo ni Kumander Tamarin sa Bgy. Butilin, Datu Salibo, at tumagal ng 45 minuto ang labanan.
Napaulat na lumikas din ang ilang sibilyan sa takot na maipit sa kaguluhan.
Kinumpirma naman ni Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, ang pagkamatay ni Kumander Tamarin at tatlo nitong tauhan.
(Fer Taboy)