KINALUGDAN ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez ang parangal na ibinigay ng Asian Paralympic Committee (APC) kay dating PSC commissioner Mike Barredo sa kanyang kontribuyson sa pagpapalawak nang sports para sa mga atletang may kapansanan.

Ibinigay kay Barredo ang parangal sa ginanap na APC general assembly meeting kamakailan sa Bangkok, Thailand. Ibinida ni Barredo ang tropeo sa kanyang courtesy call kay Ramirez.

Naging miyembro ng PSC Board si Barredo noong 2005, ngunit sa kabila nito nanatili siyang aktibo sa Philspada para gabayan at tulungan ang pagpapalawig ng sports para sa mga may kapansanan.

Sa kanyang pagpupursige, naamyendahan ang PSC Law, gayundin ang Incentives Act kung saan kabilang na rin sa bibigyan ng suportang pinansiyal ang mga atletang may kapansanan at kasamang mabibigyan ng insentibo sakaling magwagi ng medalya sa Asian at World level.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Through his actions, he has demonstrated outstanding achievement in their sport,” sambit ni Ramirez.

Noong 2013, ipinagkaloob din kay Barredo ang Paralympic Order mula sa International Paralympic Committee.