Nanindigan si Pangulong Duterte nitong Lunes laban sa mga banta at kahilingan ng teroristang grupo at ng mga grupong rebelde.

Sa kanyang talumpati sa hapunan para sa mga miyembro ng The Wallace Business Forum sa Malacañang nitong Lunes, sinabi ng Presidente ang tungkol sa banta ng Maute terror group sa Mindanao.

“Today, we took consideration of the Maute rebellion going on in Lanao. And they said that they are willing to pull out,” ani Duterte.

Gayunman, sinabi ni Duterte na bilang kapalit nito ay hiniling ng Maute na itigil na ang opensiba ng militar sa grupo kung hindi ay sisilaban nila ang buong Marawi Ciy.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

“And I said, ‘Go ahead, do it.’ We need to do a lot of constructions in this country. There are a lot of materials there and we will be glad to rebuild and rehabilitate every structure that you destroy. As long it’s confined in the areas of Lanao, I don’t really care,” aniya. “No, I will not stop the operation. As a matter of fact, we will go ahead.”

Binanggit din ng Presidente ang tungkol sa iginigiit ng National Democratic Front (NDF) na palayain ang mas maraming political prisoners kaugnay ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa mga komunista.

“I said to Secretary (Jesus) Dureza and (Silvestro) Bello, ‘look guys you tell the communist that I have as a matter of fact conceded too many too soon. All of the leaders are out and the only reason why I agreed that they should be out is because you have to do the talking in another country and that is in Oslo’,” ani Duterte. “But to be asking for another 130 releases, you tell them produce to me, show me a document signed by even with the Norway guys who provided the good offices... to sign it and I will consider.” (Elena L. Aben)