Nagpaalala kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na simula Enero 1, 2017 ay hindi na magagamit sa transaksiyon ang ATM (Automated Teller Machine) cards na walang “chip reader.”

Sa ginanap na The Clean Forum sa Manila Hotel, sinabi ni Atty. Teodoro Pascual ng DTI, na mismong ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nag-anunsiyo ng naturang polisiya para paalalahanan ang publiko na papalitan sa kanilang mga bangko ang kanilang ATM cards para malagyan ng chip reader dahil hindi na magagamit ang mga ito sa withdrawal, pamimili sa mall at iba pang transaksiyon.

Tatlong taon ang ibinigay na palugit ng BSP sa publiko upang ayusin ang kanilang mga ATM card at ito ay magtatapos sa Disyembre 31, 2016. Nanindigan ang BSP na hindi na nila palalawigin pa ang naturang deadline.

Ang chip reader ay ang maliit na kuwadradong kulay ginto, na nakalagay sa harap ng ATM cards. Ito ay nagsisilbing proteksiyon para hindi kaagad makopya ang mga impormasyon ng card. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?