Itinanggi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may kinalaman siya sa pagtitipon at pagdaraos ng isang banal na misa ng mga grupong tutol sa paglibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), sa Huwebes.

Ito ang nilinaw ni Villegas matapos kumalat sa social media ang kanyang larawan na may kasamang imbitasyon para sa tinaguriang “SAMBAYANAN” o Simbang Gabi ng Siklab Bayan, na isasagawa ng Coalition Against the Marcos Burial at the Libingan Ng Mga Bayani (CAMB-LNMB), sa Disyembre 15, 2016, 9:00 ng gabi sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

“I do not know anything about this. There was no permission to use my photo. I am not at all connected to this event. Please correct the misinformation,” paglilinaw ni Villegas sa kanyang verified Facebook account.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

(Mary Ann Santiago)