Binira ng mga miyembro ng House Committee on Public Order and Safety ang Bureau of Customs (BoC) dahil sa hindi mapigilang pagpupuslit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic products at paglaganap ng mga ito sa bansa.

Binigyang-diin ng mga kongresista na ang smuggled firecrackers at pyrotechnic products ay hindi lang nakaaapekto sa lokal na manufacturing industry kundi mapanganib din sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan, dahil hindi ito dumaan sa “quality standards inspections.” Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves, Jr. (3rd District, Negros Oriental) na dapat na panagutin ang BoC sa pagkalat ng puslit na imported firecrackers. (Bert de Guzman)
Tsika at Intriga

Anak ni Roi Vinzon, muntik na ring pagsamantalahan ng 2 inireklamo ni Sandro?