CAIRO (Reuters) – Patay ang 25 katao at 49 iba pa ang nasugatan sa pambobomba sa pinakamalaking Coptic cathedral sa Cairo. Karamihan sa mga biktima ay mga babae at bata na dumalo sa Sunday mass. Ito ang pinakamadugong pag-atake sa Christian minority ng Egypt sa loob ng maraming taon.

Naganap ang pagsabog sa kapilya na katabi ng St Mark’s Cathedral, ang trono ni Coptic Pope Tawadros II, kung saan karaniwang mahigpit ang seguridad.

Kinondena ni Pope Francis ang tinawag niyang huli sa serye ng “brutal terrorist attacks” at sinabing ipinagdarasal niya ang mga namatay at nasugatan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina