2015-miss-universe-pia-wurtzbach-at-cardinal-tagle-copy

“I AM confidently beautiful with a heart.”

Ang mga katagang ito ang nagpanalo kay Pia Alonzo Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.

Ngayon, muling pinatunayan ni Pia ang pagkakaroon ng magandang kalooban sa paghahandog ng kanyang pre-loved items upang makatulong sa programa ng Caritas Manila sa pagpapaaral ng 5,000 scholars.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kahapon, pinaunlakan ni Pia ang paanyaya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na magtungo sa Arzobispado De Manila sa Intramuros, Maynila upang personal itong makapagpasalamat sa kanyang donasyon sa celebrity bazaar na magsisimula ngayon, Disyembre 13 at magtatapos bukas, sa Glorietta 5 Atrium, Ayala Center, Makati City.

Ang ilan sa mga inihandog ni Pia Wurtzbach ay mga sapatos, bag, at gown.

Ipinaliwanag ni Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, na ang lahat ng kikitain sa nasabing bazaar ay mapupunta sa Youth Servant Leadership & Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na nagkakaloob ng edukasyon sa estudyanteng mahihirap.

“Of course we are all doing this just out of pure love and good faith and asking for nothing in return but just, just giving back because we feel very blessed,” nakangiting pahayag ni Pia.

Bukod sa reigning Miss Universe, ang iba pang mga celebrity na nag-donate ng kanilang mga personal na gamit ay sina Kris Aquino, Anne Curtis, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga-Soriano, Iza Calzado, Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez, Julia Montes, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Scarlet Snow Belo, Cristalle Belo-Pitt, Bang Pineda, Tim Yap, Katrina Ponce Enrile, Team Kramer (Doug, Cheska, Kendra, Scarlett at Gavin), Bamboo, Sam YG, Teacher Georcelle ng G-Force, Denise Laurel, JC Intal, Fashion Pulis, at Michael Sy Lim. (ELLAINE DOROTHY S. CAL)