Isang Filipino-American ang itinalagang bagong Vice President for United Nations Affairs ng isang California-based internationally recognized organization na humaharap sa mga kasalukuyang isyu sa mundo gaya ng human rights, edukasyon, kahirapan, malinis na kapaligiran at empowerment.

Sa isang press statement, sinabi ni We Care for Humanity (WCH) founder at president Princess Raden Dato’Seri Maria Amor Torres na si Josefina Joy Theriot ang magiging kinatawan ng We Care for Humanity (WCH) sa UN at aktibong makikilahok sa UN Sustainable Developments Goals.

“Joy Theriot comes with a wealth of experience in the Non-Profit sector having spent years of volunteerism and consulting under various UN affiliated organizations like the Commission on Status of Women and more,” sabi ni Princess Maria Amor, ang multi-awarded at kilalang youth and women advocate.

Si Theriot ay nagtapos sa University of Bohol, at nagtrabaho sa Pilipinas bilang National Coordinator para sa CARP (Collegiate Association for the Research of Principles). Siya ay naging kasapi ng organizing committee ng 2015 International Women’s Day celebration sa UN at co-chair ng CSW59 at CSW 60 planning committee. (Roy C. Mabasa)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon