Ipinasa ng House committee on environment ang House Bill No. 124 na nagdedeklara sa Pasonanca watershed forest reserve sa Zamboanga City bilang isang protected area o natural park.

Ang Pasonanca Natural Park ay lawak na 17,414 na ektarya at sumasaklaw sa mga barangay ng Pasonanca, Lumayang, Tolosa, Bungiao, Dulian, Baluno, Salaan, Cacao, Lunzuran, Las Paz, Lapakan at Lamisahan sa siyudad.

Sinabi ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, may akda sa panukala, na ang Pasonanca Natural Park ang isa sa tatlong natitirang watershed sa bansa. (Bert de Guzman)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?