Ilulunsad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang “on-the-spot” wall painting contest sa Manila North Cemetery.

Isasagawa ang art contest sa Linggo, Disyembre 18, mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, ayon kay Daniel Tan, director ng Manila North at Manila South cemeteries.

Aabot sa 120 mag-aaral mula sa pribado at pampublikong high school sa lungsod ang inaasahang makikilahok sa paligsahan. Ang tema ay “Manila Forward Ever, Backward Never.”

Pipiliin ang mga nanalo sa araw ring iyon. Ang first place ay tatanggap ng P50,000 cash prize, P20,000 sa second place, at P10,000 sa third place. Lahat ay may trophy. Magbibigay rin ng 20 consolation prizes na tig-P2,000 si Estrada. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'