megan-copy-copy

NGAYONG Martes ang lipad ni Megan Young patungong Washington, D.C. para mag-host ng Miss World 2016 na gaganapin sa Dec. 18. Ilang araw ding hindi makakapag-taping ng Alyas Robin Hood si Megan at ibig sabihin, ilang episodes siyang hindi mapapanood sa action series.

Ang kanyang pag-alis-alis ng bansa ang rason kung bakit may episodes na wala sa Alyas Robin Hood si Megan at hindi dahil mas pinapaboran ng writers o kaya ni Direk Dominic Zapata si Andrea Torres. Silang dalawa ang leading lady ni Dingdong Dantes sa action series.

Tinanong tuloy si Megan kung hindi ba siya intimidated sa boobs ni Andrea?

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

“Hindi naman. Confident naman ako sa sarili ko. Saka, cordial kami ni Andrea eversince. Hindi lang maiwasan sa show na may Team Sarri (Megan) at Team Venus (Andrea). Pero makikita naman na lumalaban na si Sarri.”

Nag-trending ang episode nang mag-swimsuit showdown sina Megan at Andrea. May mga nagre-request na magkaroon uli ng ganu’ng episode na posibleng mangyari dahil game ang dalawa.

Kararating lang ni Megan from the US nang sabihin sa kanya na magsusuot siya ng swimsuit, kinailangan niyang mag-workout at magpagutom dahil kain siya nang kain sa Amerika.

Pinag-react namin si Megan sa naging isyu kina Dingdong at Andrea, ‘yung pinagselosan ng ibang fans nina Dingdong at Marian Rivera ang mga eksena nina Dingdong at Andrea, pero kampante si Megan na walang magiging isyu sa kanila ni Dingdong dahil na rin siguro sa may boyfriend siya.

“Wala pa naman akong isyu kay Dingdong. I’m just doing my job, nothing personal. Enjoy kami sa work namin at thankful na naa-appreciate ng viewers ang trabaho namin,” sabi ng actress/beauty queen.

Samantala, ayaw mag-comment ni Megan sa chances ng Philippine bet nating si Catriona Gray sa Miss World. Pero malaking bagay daw na nakasama ito sa Top 10 sa talent portion.

“I always hope for the best and let us hope for the best,” pagtatapos ni Megan. (NITZ MIRALLES)