DAGUPAN CITY, Pangasinan - Sinimulan na kahapon ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO)-Region 1 ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa bahagi ng Anao, Tarlac nitong Sabado, na ikinasawi ng apat na tao.

Ayon kay LTO-Region 1 Chief Teofilo E. Guadiz III, may grupo na ng law enforcement unit na magsisiyasat sa totoong nangyari at isasapubliko nila ang resulta nito upang panagutin ang may sala.

Inaalam na kung sino sa driver ng van at driver ng tanker ang positibo sa alak—na mahaharap sa matinding parusa.

“I wanted to know if the van has a legitimate franchise. In case that there is no legitimate franchise, LTO will run after the entire fleet of the public utility operator,” sinabi ni Guadiz sa panayam ng Balita.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Matatandaang apat na magkakaanak ang nasawi, habang walong iba pa ang nasugatan makaraang bumaligtad ang van matapos itong salpukin ng chemical tanker sa Barangay San Jose North, Anao, Tarlac sa may TPLEX. (Liezle Basa Iñigo)