CAMP DIEGO SILANG, La Union – Inaresto ng mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay kagawad na high-value target at ikawalo sa drug watchlist ng La Union, sa pagpapatupad ng search warrant sa Barangay Lingsat, San Fernando City.

Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., information officer ng La Union Police Provincial Office, ang naaresto na si Samuel “Sonny” Casugay, 45, kagawad at una nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Sa operasyon ng awtoridad dakong 5:50 ng umaga nitong Disyembre 9, nasamsam mula sa suspek ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu, apat na plastic sachet na may latak nito, at drug paraphernalia.

Mariin namang itinanggi ni Casugay ang akusasyon sa kanya, sinabi pang handa siyang magpa-drug test para patunayang hindi siya gumagamit ng droga. (Erwin G. Beleo)
Probinsya

Kabit na kinompronta 'legal husband,' ng kaniyang jowa, patay matapos manlaban umano sa mga pulis