CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi seselyuhan ng tape ang dulo ng mga baril ng mga pulis sa Northern Mindanao ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni Police Regional Office (PRO)-10 Director Chief Supt. Noel Constantino, sinabing hihingiin niyang aprubahan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang nabanggit na plano niya.

Ayon kay Supt. Surki Sereñas, tagapagsalita ng PRO-10, nais ni Constantino na isulong ang pagkakaroon ng disiplina at pagiging responsable ng mga pulis sa rehiyon laban sa maling paggamit ng kanilang service firearm.

“The practice of muzzle-taping only shows the distrust of the organization to its very own policemen such that we need to require unit commanders to physically put a tape around the muzzle [of their firearms],” saad sa pahayag ni Constantino nitong Linggo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Aniya, ang pamunuan ng PNP ngayon “trusts and treats every policeman as a responsible law enforcement officer and gun-holder who will not fire his firearms indiscriminately and will only fire it when it is extremely necessary to do so in the line of duty.”

Sa kabila nito, nagbabala pa rin si Constantino sa kanyang mga tauhan laban sa pagpapaputok ng baril sa mga selebrasyon, partikular na sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Disyembre 31 ng gabi.

“Those who will violate the directive on illegal discharge of firearms will be severely dealt with the fullest extent of the law,” ani Constantino. (Camcer Ordoñez Imam)