Habang tinitipa ang artikulong ito, nasa bingit ng kamatayan ang isang obrero makaraang pagsasaksakin patalikod ng kapalayaw ng basketball legend na si Sonny “Jawo” Jaworski sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

Kasalukuyang nasa intensive care unit si Glen Acebuche, 22, ng No. 21 Atis Street, Barangay Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa dibdib at ulo.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Alexis Rulloda, 26, alyas “Jawo”, ng No. 8 Mabolo Road, Bgy. Potrero, Malabon City.

Ayon kay PO3 Julius R. Mabasa, dakong 11:30 ng gabi, naghihintay ng masasakyang jeep si Acebuche nang sumulpot ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)