DHAKA (Reuters) – Sinadya ng ilang opisyal ng Bangladesh central bank na isiwalat ang computer systems nito upang manakaw ng hackers ang $81 million mula sa account nito sa Federal Reserve Bank of New York noong Pebrero.
Sinabi sa Reuters ni Mohammad Shah Alam ng Dhaka police na nadiskubre nila na ilang opisyal ng bangko ang sinadyang lumikha ng mga kahinaan sa koneksyon ng bangko sa SWIFT system, na ginagamit sa global transactions.
"Bangladesh Bank's SWIFT network was made insecure by some bank employees in connivance with some foreign people," aniya. "They knew what they were doing."