Hiniling kahapon ng matataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng napipisil niyang chairperson kasunod ng “desist” order ng administrasyon sa pagdalo ni Chairperson Patricia Licuanan sa mga pulong ng Gabinete.

Sa “Manifesto of Support” na isusumite sa Malacañang ngayon, hinihiling ng mga opisyal ng CHED, kabilang ang mga regional director, ang “urgent intercession” ni Pangulong Duterte sa “order to prevent demoralization among the ranks of men and women of the Commission.”

Sa nasabing manifesto na binasa ni Executive Director Atty. Julito Vitriolo, sinuportahan ng nasabing mga opisyal at mga kawani ng CHED ang pagbabawal ng Presidente kay Licuanan na dumalo sa mga cabinet meeting simula nitong Disyembre 5.

Bukod kay Vitriolo, lumagda rin sa manifesto sina CHED Deputy Director Napoleon Imperial at Directors Atty. Lily Freida Milla, Cherie Diego, Raul Alvarez, Honorato Alzate, Caridad Abuan, Ronaldo Liveta, Emmylou Yanga, Luisa Valencia, Virginia Akiate, Cesar Medina, Freddie Bernal, Maximo Aljibe, Leonida Calagui, Juanito Demetrio, Zenaida Gersana, Maricar Cascuejo, Maura Cristobal, George Colorado, Amelia Biglete, Napoleon Juanillo, Jr., Maria Teresita Semana, at Romulo Malvar. Pumirma rin sina Chiefs Carmelita Sison at Septon de la Cruz, at 30 pang kawani ng komisyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We humbly pray and request you, Mr. President, to now designate or appoint a Chairperson of the Commission of your choice as your alter ego to represent the CHED in the Cabinet so that CHED will again be in the mainstream as are the other education agencies,” saad pa sa manifesto. (Merlina Hernando-Malipot)