ZAMBOANGA CITY – Nasa 10 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) naman ang napatay, at anim ang nasugatan habang tatlo na ang napapatay sa panig ng militar, bukod pa sa 21 nasugatan, sa patuloy na bakbakan sa Bud Taming, Barangay Kabbontakkas sa Patikul, Sulu.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Maj. Filemon Tan, Jr., na nagsasagawa ng operasyon ang mga tropa ng 35th Infantry Battalion, sa ilalim ng Joint Task Force Sulu, nang makaengkuwentro ang mga bandido sa Bud Taming nitong Linggo ng umaga.

Ang nakabakbakang ASG ay pinangunahan ng senior leader nitong si Radullan Sahiron at ng mga sub-leader na sina Hatib Hajan Sawadjaan, Yasser Igasan, at Mujer Yadah

Ayon kay Tan, nasawi sa halos dalawang oras na labanan ang tatlong sundalo habang 21 iba pa ang nasugatan, habang 10 naman sa Abu Sayyaf ang nasawi at anim ang sugatan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang nasabing bilang ang kinumpirma ng intelligence units at ng mga sibilyan sa lugar. (NONOY E. LACSON)