GINAPI ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas, 87-76, nitong Sabado para makopo ang solong ikatlong puwesto sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Kenji Roman sa naiskor na 13 puntos at 14 rebound, habang kumubra sina Eric Jabel at Rhon Abarrientos nang pinagsamang 30 puntos para sa ikalimang panalo sa pitong laro ng Baby Tamaraws.

Nangunguna ang Adamson Baby Falcons sa team standing matapos walisin ang first round para sa 7-0 marka, habang nakabuntot ang National University (6-1).

Nasa ika-apat na puwesto ang Ateneo, nagwagi sa De La Salle-Zobel, 64-57, para sa 4-3 karta.

Nanguna sa Blue Eaglets si Romulo Berjay sa naiskor na 15 puntos at siyam na board, habang kumubra si SJ Belangel ng 12 puntos, 16 rebound, apat na assist at dalawang steal.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Magsisimula ang second round sa Enero 14.