GINAPI ni No.3 seed GM Boris Savchenko ng Russia si No. 4 GM Levan Pentsulaia ng Georgia para makisosyo sa liderato matapos ang anim na round sa Philippine International Chess Championships nitong Sabado sa Subic Bay ¬Peninsular Hotel sa Zambales.
Nangailangan lamang ng 60 sulong ng Zukefort Opening si Savchenko para pasukuin si Pentsulaia at makisosyo sa pangunguna kasama sina GM Wang Hao ng China at Kovalev Vladislav ng Belarus may may tig-4.5 puntos.
Lamang sa puwesto ang top seed na si Hao pero nauwi sa draw ang kanyang laro kontra No. 2 seed GM Anton Demchenko ng Russia sa 30 moves ng Sicilian.
Apat na Pinoy woodpushers ang may tig-3.5 puntos at nakasama sa ika-10 hanggang ika-10 puwesto ng nine-round Swiss system event.
Nanaig si IM Jan Emmanuel Garcia sa kababayang si IM ¬Ronald Bancod, tabla ang laban nina IMs Haridas Pascua, Paulo Bersamina at GM John Paul Gomez.
“Laban lang, kaila¬ngan natin ipakita na palaban tayong mga Pinoy,” pahayag ni Pascua.