CONCEPCION, Tarlac - Sinawing-palad na mamatay ang isang driver ng motorsiklo at grabe namang nasugatan ang angkas niya matapos nilang makabanggaan ang isang L300 FB van sa Concepcion- Magalang Road sa Barangay San Vicente sa bayang ito.
Ayon kay PO3 Aries Turla, patay na nang idating sa Concepcion District Hospital si Jojo Felix, 47, driver ng Honda XRM motorcycle (NA-10234), habang malubha namang nasugatan si Joe Felix, 16, kapwa ng Bgy. Real, Urbiztondo, Pangasinan.
Reckless imprudence resulting in homicide at serious physical injuries and damage to properties ang kinahaharap ng driver ng van (UQK-939) na si Ric Ryan, 33, binata, taga-San Pedro, Laguna.
Dakong 11:15 ng gabi nitong Disyembre 8 at patungo sa bayan ng Concepcion ang motorsiklo nang makasalpukan nito ang kasalubong na van. (Leandro Alborote)