paolo-copy

INSPIRED mag-promote si Paolo Ballesteros ng pelikula niyang Die Beautiful na entry ng Idea First at Regal Entertainment sa 2016 Metro Manila Film Festival. 

Parang wala siyang kapaguran to think na as early as 5 AM kahapon ay nasa Balintawak Market na siya at lumibot pa sa Tandang Sora Market, Visayas Market, at Centris Bazaar para personal na imbitahan ang mga tindero’t tindera at mamimili na panoorin ang pelikula niya sa Pasko.

Puyat pa si Paolo noong nagdaang gabi, Sabado, dahil may mall show siya sa SM Bicutan na inabot ng ilang oras sa rami ng taong nakisaya at nakipagbuno sa trapik. Noong Biyernes ay nasa SM Cavite naman ang Team Beautiful.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Pero hindi nakikitaan ng kapaguran si Paolo ng mga taga-Idea First kaya ganoon na lang ang pasasalamat sa kanya nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana. Hmmm, may history ang production nila ng artistang kinuha na ayaw mag-promote ng pelikula, di ba?

Paanong hindi mapupuri si Paolo, never silang nagkaproblema sa shooting ng Die Beautifuldahil lagi itong dumarating sa set na mas maaga sa call time at siya na rin ang nagmi-make up sa sarili, at sagot pa ang mga damit, kaya ang laki ng natipid ng Idea First dahil hindi naman sumingil ng ekstrang bayad si Paolo para sa extra services na ginawa niya.

At higit sa lahat, binigyan pa sila ng karangalan nang gawaran ng Audience Choice Award ang Die Beautiful at Best Actor Award si Paolo sa katatapos na Tokyo International Film Festival at heto, napili pa sa MMFF.

Sa kabilang banda, malaki rin ang dapat ipagpasalamat ni Paolo sa producers niya dahil pinagkatiwalaan siya ng pelikulang siya ang bida at malapit pa sa puso niya ang kuwento.

After 18 years sa entertainment industry, ngayon lang siya nagbida sa pelikula.

Good karma. Kasi sabi ng manager niyang si Jojie Dingcong, “Si Paolo ang pinakamabait at pinaka-loyal kong alaga, for 18 years, hindi niya ako binigyan ng problema.”

Biro namin, ‘Eh, nasuspinde kaya siya sa Eat Bulaga, hindi ba problema ‘yun?’ 

Pero sabagay, blessing in disguise rin na nasuspinde ang aktor dahil nabakante ang oras niya at nakagawa tuloy siya ng dalawang pelikula, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend at Die Beautiful. (Reggee Bonoan)