HONGKONG -- Sadsad sa double bogey sa final hole si Juvic Pagunsan dahilan para malaglag sa top 10 sa pagtatapos ng Hong Kong Open nitong Linggo.

Naghihintay na ang matikas na pagtatapos sa pambato ng Bacolod City sa impresibong tatlong birdies sa front nine.

Matapos makagawa ng dalawang bogeys at dalawang birdies, nagtamo si Pagunsan ng double-bogey sa par-4 No. 18 para sa iskor na 69.

Tangan ang kabuuang 275, nalaglag si Pagunsan sa sosyong ika-14 na puwesto, kasama sina Liang Wenchong ng China, umiskor ng 66, at Edoardo Molinari ng Italy, na may iskor na 71.

Nakopo ni Pagunsan, dating Asian Tour money champion at RP’s No.1, ang premyong €23,728 (P1.2 milyon).

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nakabawi si Sam Brazel ng Australia sa masamang simula sa naiskor na apat na sunod na birdie sa back nine para sa 68 at kabuuang iskor na 267 para sa isang stroke na panalo kontra Rafa Cabrera Bello ng Spain na umiskor ng 69.

Naiuwi ni Brazel ang premyong €311,843 (P16 milyon).

Tumapos naman si Miguel Tabuena sa 72 para sa kabuuang 281at sosyo sa ika-51 puwesto sa torneo na co-sanctioned ng European at Asian Tour.