NAKABAWI si Juvic Pagunsan sa masamang simula sa natipang apat na birdie sa back nine para sa four-under 68 sa ikatlong round ng Hong Kong Open nitong Sabado.

Nalaglag ang pambato ng Bacolod sa two-over par sa pagtatapos ng front nine, ngunit nagawa niyang maibalik ang angas sa No.10, No. 13, 16th at sa final hole para makaarya tungo sa final round.

Tangan ni Pagunsan, dating Asian Tour money champion at RP’s top player, ang kabuuang 2-under 206 para makisosyo sa ika-19 puweso sa torneo na co-sanctioned ng European Tour at Asian Tour.

Nangunguna sina Sam Brazel ng Australia, tumipa ng 67, at Rafa Cabrera Bello ng Spain, kumana ng 70 para sa sosyong 199.

Umiskor ng 71 ang isa pang Pinoy sa kompetisyon na si Miguel Tabuena para makisosyo sa ika-47 puesto kasama si major champion Miguel Angel Jimenez na pawang may kabuuang 209.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nakuha ni Tommy Fleetwood ang solong kapit sa ikatlong puwesto sa naiskor na 201 matapos pumitas ng 67, kasunod si David Lipsky na kumana ng 66 para sa kabuuang 202.