DUMAGSA ang mga tagahanga ni Kylie Jenner sa pagbubukas ng kanyang pop-up shop nitong Biyernes.

Bagamat 10:00 ng umaga pa magbubukas ang Kylie Cosmetics ng 19-anyos na reality star sa Topanga Westfield mall sa Los Angeles, hindi napigilan ang mga tagahanga ni Kylie na pumila ilang oras bago pa man magbukas ang mall.

Nagsimulang magkaroon ng pila dakong 9:00 ng gabi noong Huwebes. Nagpalipas ng gabi ang fans ni Jenner sa labas ng mall sa hangaring mauna sa tindahan.

Dumating si Jenner sa kanyang make-up shop bandang tanghali noong Biyernes kasama ang boyfriend na si Tyga at anak nito na si King, suot ang mahabang semi-sheer orange dress. Hindi rin naiwasan ni Jenner na i-video ang pagdumog ng fans sa kanyang tindahan na inilagay niya sa kanyang Snapchat.

Unang inihayag ni Kylie na magbubukas siya ng cosmetic store noong Hunyo, at simula noon ay nagbigay siya ng updates sa kanyang mga tagahanga sa bawat hakbang na ginagawa niya para sa pagbubukas nito.

Tsika at Intriga

Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Noong Nobyembre, nagbigay ng patikim si Jenner sa pagbubukas ng kanyang unang brick-and-mortar store sa paglalabas ng mga larawan niya na nakasuot ng sexy lingerie. (Entertainment Tonight)