Habang isinusulat ang balitang ito ay nanganganib ang buhay ng isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pasay City, kahapon ng tanghali.
Nakaratay sa ospital si Julius Caesarius Raveche y Magpantay, 32, ng Barangay 7, Pasay City, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa inisyal na ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 12:30 ng tanghali nangyari ang pamamaril sa Dapitan Street, Bgy. 7 ng nasabing lungsod.
Nakatayo ang biktima sa lugar nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng baril at sakay sa motorsiklong walang plaka hanggang sa tuluyang pinagbabaril si Magpantay. (Bella Gamotea)