vice-copy

LUMAMPAS na sa P300M ang kinikita ng The Super Parental Guardians sa loob lang ng 12 days at matagal pa bago ito mawala sa mga sinehan dahil December 25 pa naman mag-uumpisa ang 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa thanksgiving dinner ni Vice Ganda para sa mga kaibigan sa entertainment media/social media, tinanong namin siya kung may plano siyang manood ng mga pelikulang kasama sa MMFF. Siyempre, may mga nag-iisip na baka hindi na siya sumuporta sa filmfest dahil naitsa-puwera ang pelikula nila ni Coco Martin.

“Oo naman, mahilig din naman ako manood ng pelikula. Ngayong MMFF, sure na akong papanoorin ko ang Vince and Kath and James kasi siyempre Star Cinema ‘yun at saka nandoon si Hashtag Ronnie Alonte, eh, kasama ko sa Showtime ‘yun,” sagot ng TV host/actor.

“Plano ko ring panoorin ang Seklusyon kasi nandoon din si Ronnie saka si Direk Erik Matti‘yun, gusto ko mga pelikula niya.”

Trending

Dalawang Pinoy photojournalists, wagi sa 2026 World Press Photo Contest!

Nagagalingan si Vice kay Direk Erik, pero parang hindi naman niya nabanggit kung gusto niya itong makatrabaho dahil si Direk Cathy Garcia-Molina ang binanggit niyang type makasama.

Naisip namin na baka hindi pa panahon na magkatrabaho ang dalawa lalo’t hard-hitting at horror movies ang forte ng direktor. E, baka hindi kayanin ni Vice ang mga papel na seryoso katulad ng Honor Thy Father, On The Job at Seklusyon.

Pero sabi nga ni Direk Joyce Bernal, kailangan din ni Vice na gumawa ng pelikulang malayo sa persona niya bilang Vice Ganda.

E, siguro sa mga susunod na taon na dahil napakalakas pa rin ng mga pelikulang ginagawa ni Vice na karakter din mismo niya ang nasa pelikula. 

Pero mukhang ayaw na ni Vice gumanap ng multiple character, tulad ng Girl Boy Bakla Tomboy na nahirapan siya nang husto.

“Sobrang hirap talaga, nakakabaliw ‘yun,” sambit ni Vice.

Isa sa best films ni Wenn Deremas (SLN) ang Girl Boy Bakla Tomboy, na nang ipinalabas noong 2013 MMFF ay kumita ng P436M.

Napakalaki ng kinikita ng mga pelikula ni Vice na pati siya rin mismo ay naloloka, lalo na sa trend na taun-taon ay nilalampasan niya ang sarili niyang record. Noong 2015, ang Beauty and The Bestie nila ni Coco Martin ay kumabig ng mahigit sa P550M, kaya nangangarap si Vice na malampasan ito ng The Super Parental Guardians.

Samantala, nabanggit ni Vice sa nakaraang one-on-one interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda na mas mahalaga sa kanya ang box office kaysa sa acting award. Oo naman, nagpapakapraktikal lang ang GGV at It’s Showtime host.

At ang dream niyang leading man para sa susunod niyang pelikula ay ang car racing champion na si Marlon Stockinger.

(REGGEE BONOAN)