TARLAC CITY - Nagbabala kahapon ang pulisya sa mga sumasakay sa mga jeep at mini-bus laban sa bagong modus ng pandurukot sa mga pasahero na ginagawa ng babaeng suspek na may kasamang bata.
Ito ang nakumpirma ng pulisya makaraang madukutan ang isang public school teacher sa bayan ng Gerona.
Ayon sa salaysay ng guro na ayaw magpabanggit ng pangalan, sakay siya sa jeep patungong Gerona nang isang babaeng balingkinitan, nasa edad 30-40 at may kasamang maliit na bata ang nakipagsiksikan sa mga pasahero hanggang sa madukutan siya.
Nadukot sa guro ang kanyang Professional Regulation Commission (PRC) card, senior citizen card, hindi matiyak na cash at iba pang dokumento. (Leandro Alborote)